Wednesday, February 24, 2010

Wastong Gamit ng Raw, Daw, Dito, Rito

Ang raw, rito, rin, roon at rine ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig (vowel - a, e i, o, u) o malapatinig (semi-vowel - w, y).
Halimbawa:
1. Pumunta ka rito.
2. Taga-Dabaw (Dabao) rin si Imelda.
3. Nag-aaway raw ang mga bata.
4. Maliligo rine ang mga dalaga.
5. Patungo roon ang mga kandidato.

Ang daw, dito, din, doon at dine ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig (consonant).
Halimbawa:
1. Sa ilog daw maliligo ang mga binata.
2. Pupunta rin dito ang mga artista.
3. Yayaman din tayo balang araw.

Dito at Doon ang ginagamit sa simula ng isang pangungusap.
Halimbawa:
1. Dito ba tayo maghihintay?
2. Doon na tayo mananghalian sa bahay.

BAHAGI NG PANANALITA - PANGNGALAN (NOUN)

I. BAHAGI NG PANANALITA (Parts of Speech)
A. Pangngalan (Noun) - bahagi ng pananalita na nagsasaad ng ngalan ng tao, bagay, pook o lugar, hayop, pangyayari, damdamin, kaisipan o ideya.

Uri ng Pangngalan
1. Pantangi (Proper Noun) - nagsasaad ng tanging pangalan ng tao, hayop at bagay at isinusulat sa malaking titik (capital letter) ang unang letra o titik ng salita.
2. Pambalana (Common Noun) - tawag sa karaniwang pangalan.

Mga Halimbawa:
Pambalana - bansa
Pantangi - Pilipinas, Tsina, Amerika
Pambalana - bundok
Pantangi - Mt. Pinatubo, Bundok Arayat
Pambalana - artista
Pantangi - Pokwang, Willie Revillame, Kris Aquino
Pambalana - lugar
Pantangi - Luneta, Robinson's
Pambalana - lapis
Pantangi - Monggol

Kayarian ng Pangngalan

1. Payak - mga salitang likas at katutubong atin na maaaring mapag-isa
Halimbawa
lilo, lila, lambat, silo, ilog
2. Maylapi - ang mga salitang-ugat o pangngalang payak na nagtataglay ng panlapi sa unahan, gitna o hulihan man.
Halimbawa
ganda - kagandahan
isda - palaisdaan
away - mag-away
sayaw - sumayaw
3. Inuulit - mga pangngalang inuulit ang salitang ugat o ang salitang maylapi. Ang unang dalawang pantig lamang ang inuulit kapag ang pangngalan ay may tatlo o higit pang pantig.
Halimbawa
tatay-tatayan
sabi-sabi
biru-biruan

Tandaan: May mga pangngalang ang anyo ay mga salitang inuulit ngunit hindi ginigitlingan sapagkat ang inuulit na mga pantig ay walang katuturan kapag napag-isa. Ang kabuuan ng mga salitang ito ay itinuturing na mga salitang ugat.
Halimbawa
gamugamo
guniguni
alaala
paruparo

Klase ng mga pangngalang inuulit
a. Pag-uulit na Parsyal - bahagi lang ng salitang-ugat ang inuulit.
Halimbawa
ari-arian
tau-tauhan
b. Pag-uulit na Ganap - inuulit ang buong salita
Halimbawa
sabi-sabi
sari-sari

4. Tambalan - mga pangngalang binubuo ng dalawang magkaibang salita na ipinapalagay na isa na lamang.
Halimbawa
hampaslupa
sampay-bakod
akyat-bahay
bahay-aliwan
kapit-tuko


Kasarian ng Pangngalan (Gender of Noun)
1. Pambabae
Halimbawa - ate, nanay, Gng. Cruz
2. Panlalaki
Halimbawa
kuya, tatay, G. Santos
3. di-tiyak
Halimbawa
doktor
titser
huwes
punong-guro
pangulo
4. walang kasarian
Halimbawa
silya
lobo
puno

Uri ng Pangngalan ayon sa Gamit
1. Basal - pangngalang hindi nakikita o nahahawakan ngunit nadarama, nasa gawi at kaisipan,
Halimbawa
katalinuhan
pagmamahal
pagdurusa
2. Tahas - mga pangngalang nakikita o nahahawakan.
pula
ulap
3. Lansak - mga pangngalang nagsasaad ng pagsasama-sama, kumpol, grupo o pangkat.
Halimbawa
kawan
buwig
pulutong
batalyon